Chapter 16 "Hamburger" Tugon niya nang tanungin siya ni Harold kung anong gusto niyang kainin. Kasalukuyan silang nakapila sa canteen habang nag-oorder ito ng kanilang pagkain. "Hamburger lang? C'mmon wag ka ng mahiya sakin Gelyn. Lunch time na kaya hindi pwedeng hamburger lang ang kakainin mo" Napayuko siya. Kanina pa kasi siya nahihiya sa mga studyanteng nakatingin sakanila ni Harold. Panay din ang bulong-bulungan ng mga ito "K-Kahit ano na Harold. At bilisan nalang natin kumain" Nagpalingon lingon ito sa paligid ng mapansin nitong nahihiya siya sa mga tao "Don't mind them. Kung ngayon palang nahihiya kana dahil ako ang kasama mo, paano pa kaya kung si Zach ang kasama mo?" Napa-iling iling ito habang nakangiti "Anong ibig mong sabihin?" "Nothing. Ako na nga mag oorder para sayo.