Chapter 33 "Who are you?" Taas kilay na tanong nang babaeng receptionist kay Gelyn Kararating niya lang sa Hoffman's building kung saan pagmamay-ari iyon ni Zach Hoffman. Ito ang may ari ng one hundred branches ng Hoffman's coffee shop sa buong pilipinas at twenty branches around the world. High school pa lamang ito ng simulan nitong mag tayo ng sariling business at napalago iyon ng maayos. Naalala niya tuloy ang coffee shop na pinagtatambayan nito noon. Ito pala ang may ari ng naturang coffee shop na iyon. Sino ba naman kasi mag aakalang high school pa lang sila noon business minded na ito. Matatag at maraming business ang napatayo ng ama nito na si Mr.Jerome Hoffman, ngunit katulad ng mga kapatid nito ay nag tayo rin ito ng sariling business at napaunlad iyon. Bukod sa sariling coff