Chapter 8 Ilang minuto lang ang tinagal ng mga Hoffman sa kanilang paaralan at umalis na din agad ang mga ito. Ngunit hindi parin maalis ang ngiti sa mga labi ni Gelyn nang maalala niya kung paano siya sulyapan ni Zach bago ito sumakay ng kotse. "Huy para kang nababaliw diyan" Lalo lamang siyang napangiti ng kurutin ni Arabella ang kanyang tagiliran. Ibig sabihin hindi siya nananaginip "Hindi ko kasi mapigilan kiligin. Nakita mo ba yun kanina! Nagkatinginan pa kami ni Zach bago siya sumakay sa kotse nila. Feel ko hinanap niya pa talaga ako sa mga babaeng nandoon" "Pansin ko nga din eh! Pero huwag ka muna umasa Gelyn. Tandaan mo langit siya at lupa ka lang" Nawala tuloy ang magandang ngiti sakanyang labi dahil sa sinabi nito. "Nega ka talaga no?" Sita niya kay Arabella "Nagsasabi