“Galingan mo naman, Ash! Ito ang magiging big break natin sa career natin,” matinis ang boses na pahayag ng kasamahan kong si Maggie. Umagang umaga ay puno siya ng sigla. Narito kami ngayon sa loob ng isang boutique kung saan ako nagtatrabaho mag-aapat na taon na. Apat lang kaming nagpapalitan dito dahil hindi naman ganoon kalaki ang boutique at higit isang daan lang na costumer ang pumapasok dito sa maghapon. “Kapag nabili ni Miss Cabrel ang lahat ng mga expensive products dito, sigurado na tataasan ng Manager ng branch ang sahod natin!” aniya at saka humagikgik. Tumango na lamang ako at hindi inalis ang naka-plaster na ngiti sa aking labi. Nagniningning ang mata ni Maggie at halatang inaasam-asam niya ang mga binanggit at hindi maganda kung sisirain ko iyon. “Oo, Maggie. Huwag kan