Miranda’s POV Alas sais nan ang makarating ako sa aking kasamahan. Gusto ko pa sanang magpaalam sa kanya ngunit hindi ko na iyon nagawa gayong kasing bilis rin ng hanging ang kanyang pagkawala. Hindi ko alam kung paano ko pa ulit siya makikita ngunit isa lang ang nais ko at iyon ay ang makita ko siyang muli at hindi pwedeng hindi. “Saan ka galing? “Kanina ka pa namin hinitay?” “Alas sais na, Miranda. My God besh! Akala namin sa kung saan ka na napadpad!” Ang mga tanong na siyang bumungad sa akin. Sa sobrang bilis ng mga tanong nilang iyon ay hindi ko maiwasan ang mapaiwas lalo pa at alam kong hindi ko pa naman pwedeng sagutin ang tanong kong iyon. Hindi pwede lalo pa at alam kong kailanman ay hindi nila nagawang maniwala sa nangyari sa akin ngayon dito. Nanatili lang akong nakatik