"Naku, a-ano po, wala po sir nag-uusap lang po kami nitong serbidora tungkol sa ordwe. Ay bakit nga po pala kayo n-nadito sir, kakainin po ba kayo?" Kandautal na tanong ng babaeng kanina ay napakatapang. Tila biglang bumait ito ng dumating si Jarred, animo maamong tupa na hindi makabasag pinggan sa bait. "Hindi ako bingi ni Miss Mendez, narinig ko lahat ng sinabi mo at mukhang napakalaki naman yata ng galit mo sa girlfriend ko. Hindi ko akalain na ganyan pala katalas ang dila mo. At mismong girlfriend ko pa ang pinagsasalitaan mo ng hindi magaganda. Bago ka sana nagsalita ng kung ano-ano ay nag-search ka muna para hindi ka nagmumukhang tanga!" bakas ang galit sa boses ni Jarred. "Ah kaya naman pala galit na galit itong si Miss dito sa mabait na serbidora. Mukhang may tinatagong pagt
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books