Halos dalawang oras din ang naging biyahe nila patungo sa resort na sinasabi ng lalaki. Isa iyong two story house sa Tagaytay, may sariling swimming pool at walang ibang tao maliban sa kanila.
Akala pa naman niya may katiwala man lang sana o kahit na nagwowork doon pero ang saklap talaga palang silang dalawa lang.
Dala-dala na pala talaga ng lalaki ang susi, at mukhang pinagkatiwala nga dito ang buong bahay na iyon. Super bait naman ng may ari dito.
Mula sa kinatatayuan ng resort na iyon, kitang-kita nila ang taal lake at taal volcano. Kaya napaka ganda ng lugar na iyon, kita din ang nagliliwanag ng mga ilaw na hindi niya mawari kung ka-Maynilaan ba iyon o ano.
Pero nakakadagdag iyon ng magandang tanawin, ngunit sure siya na mas maganda iyon bukas kapag may liwanag na.
Napakalamig sa lugar ng iyon, at isa pa sinasabayan pa ng medyo may kalakasang hangin. Buti na lang pala nagsuot siya ng jacket, kung hindi siguradong mangangaligkig siya sa sobrang lamig.
Kaya siya nandito, wala kasing nagawa ang kanyang pagtutol kaya heto at napadpad na talaga siya sa sinasabi nitong resort na hindi naman niya alam na talagang sa tagaytay pa pala.
Gabi na pero imbis na kumain sila doon ay minabuti ng bumili ng makakain para dinner nila ni Jarred, mas nais daw nito na mag-enjoy na lamang sila.
Ayaw na nitong magluto pa at alam din daw nito na wala pa rin siyang kain, kaya bumili na lamang ito. Ayaw daw nito na mapagod pa siya, dahil alam nito na pagod siya sa trabaho.
At gano'n din ito kaya okay na luto na lamang ang kanilang binili, pero kung tatanongin siya nito ay mas mainam kung bumili na lamang sila ng lulutuin.
Mabilis lang namang magluto kung sakali tsaka kahit papaano ay may alam na rin naman siya sa pagluluto.
Pero medyo nakakakilig din na malaman na concern din ito sa kanya, ayaw nito na mapapagod siya kaya okay na rin.
Sa mamahalin pa talaga na restaurant ito bumili ng mga pagkain nila, pero okay na rin iyon at least kahit papaano ay nakakatikim siya ng mga pagkaing kakaiba ang mga putahe.
Kaysa sa karinderya ng kanyang tiyang, nakakasawa na rin.
Masarap naman ang mga pagkain nila at syempre malinis kaya lang paulit-ulit na lamang din kasi, lahat na iyon ay paulit-ulit na lamang niyang kinakain.
Ang nakakatuwa lang ay para bang sinadya ni Jarred na ibang mga pagkain ang inorder nito. Siguro naisip din nito na para makatikim din siya ng ibang putahe.
Ilan sandali pa at pumasok na sila sa loob ng bahay. Napanganga pa siya pagpasok nila sa loob dahil napakaganda ng interior design ng bahay.
Napakalamig niyon sa kanyang mga mata lalo na at krema ang kulay ng loob ng bahay, tapos may mga iba't ibang indoor plants ang nasa loob. Lalong nakakadagdag ng pagka-aesthetic ng bahay iyon, lalo na ang mga ibang appliances na dito lang niya nakita.
Tapos sa may bandang gilid naman ng bahay ay may maliit na swimming pool hindi kasi kalakihan ang lugar pero masasabi niyang napakaganda niyon.
Tamang tama lamang sa isang pamilya kung gagawin iyong bahay, pero sa tingin kasi niya ay bahay bakasyunan lamang talaga iyon ng pamilya o baka naman pinaparentahan din iyon ng may-ari.
"Halika na dito Melissa, pwede bang tulungan mo akong ayusin ang mga pagkain para makakain na tayo? Pero pwede bang diyan tayo sa balcony kumain parang mas masarap kasi lalo pa at kasabay kita." narinig niyang tawag sa kanya ni Jarred.
Nasa sala lang kasi siya noon, napakaupo sa sofa. Nahihiya kasi siyang gumalaw kaya nananatili lamang siya doon.
"Sige ako na ang bahala diyan, tulungan mo na lamang ako sa paglilipat." sagot na lamang niya dito.
Pagkuwa'y minabuti na niyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagtungo na sa dining room.
Nakita niya na nasa ibabaw ng lamesa ang mga pagkaing pinamili ng lalaki, pero ng i-check niya ito ay malamig na kaya minabuti niyang initin iyon.
Ito naman ay lumabas para ihanda ang lamesa para doon sa balkon meron kasing mesa na foldable.
Matapos naman ang ilang sandali ay nainit na niya ang mga pagkain, kaya naman inilipat na niya iyon sa mga lagayan. Naghanda na rin siya ng mga ang plato nila at kubyertos pati na ang malaking pichel na pinaglagyan niya ng tubig na maraming maraming yelo.
Kapag kasi kumakain siya, hinding hindi nawawala ang tubig na punong-puno ng yelo para kasing hindi siya nabubusog kapag hindi malamig na malamig ang tubig.
"Jarred, tapos na ako dito. Pakitulungan naman akong buhatin iyong ibang pagkain oh." Sigaw niya para marinig nito.
At saka binuhat na niya ang dalawang putaheng ulam at isinabay na niya sa isa niyang kamay ang plato at kutsarang gagamitin nilang dalawa.
At ilang sandali pa ay nakahayin na nga at kumain na silang dalawa. Ang sarap ng mga putaheng binili ni Jarred talagang kakaiba, ibang iba sa mga pagkain sa karendirya.
Habang sila ay kumakain panay ang kwento ng lalaki karamihang kinikwento nito ay ang mga nangyari noong panahong nagkahiwalay na silang dalawa.
Siya naman ay matamang nakikinig lamang dito. Ayaw niya mag-share ng mga na-experience niya dito dahil nahihiya siya sa lalaki at saka wala namang espesyal na naganap sa kanya noong panahong nagkahiwalay silang dalawa.
Basta siya nag-focus na lamang sa pag-aaral at sa pagtitinda ng mga bini-bake niyang cookies para kahit papaano ay makatulong sa kanyang pamilya.
“May gusto lang akong tanungin sayo Melissa, sa katunayan matagal ko na itong iniisip kahit noong tayo pa ay naiisip ko na dapat pa nga bang itanong ko sayo o hindi na.” Biglang seryosong wika nito.
Kaya naman siya ay natigilan sa pagsubo sana ng pagkain.
“Bakit ano ba iyon?” Tanong na lamang niya dito.
“Minahal mo ba talaga ako noon?” Tanong ulit nito na ikinagulat naman niya.
“Ha? Napaano ka bakit mo tinatanong iyan?” Kunot noong tanong niya dito.
Ano bang iniisip ng lalaking ito, nasaktan siya ng ganon ng bigla itong maglaho. Natagalan bago siya tuluyang maka-move on at hanggang ngayon nga hindi pa rin niya ito makalimutan lalo na ang mga sakit na kanyang naranasan noon.
Iyong mga tanong na hindi niya masagot-sagot dahil nga walang kasagutan tapos bigla-bigla tatanungin siya nito ng ganon.
“Lutang ka ba? Eh ano pala tawag doon sa pinagsamahan natin non? Ano, laro-laro lang ba sayo?” Halos magsalubong na ang kilay na balik tanong niya dito.
“Hindi naman sa gano'n, ang totoo kasi niyan noon pa talaga ako nagdududa sa nararamdaman mo sa akin. Syempre hindi naman normal na naging tayo, binigla mo lamang ako at agad na inanunsiyo na may relasyon na tayong dalawa. Kaya hanggang ngayon nagdududa pa rin ako, iyon sana yung gusto kong malaman gusto kong matiyak kung talaga bang minahal mo rin ako kahit papaano noon o hindi.” wika muli nito.
Napailing na lamang siya dahil hindi talaga niya alam na, ganito pala talaga ang nararamdaman nito.
Akala niya noon malinaw na ang lahat dito, sabagay biglaan naman talaga pero totoo iyon. At mahal talaga niya ito, kung hindi bakit siya masasaktan? Umabot pa nga sa puntong, hindi na niya ninais na magkaroon ulit ng relasyon. Kaya natitiyak siyang mahal niya ang lalaki.
"Teka, eh bakit mo ba naitanong iyan? Mahalaga pa ba iyan? Hindi ba at tapos naman na tayo? So bakit nga ba?" Tanong ulit nito.
"Tell me, Melissa. Sabihin mo sa'kin ang totoo, minahal mo ba ako non o hindi?" Tanong ulit nito.
Parang determinado talaga ito na alamin ang totoo.
"Minahal, hindi naman ako papasok sa ganoong relasyon kung wala akong nararamdaman sayo. Ang totoo, dati na kitang crush bago ko pa matuklasan ang tungkol sa pagiging secret admirer mo. Kaya nong natuklasan ko na, sige agad ako. Tsaka sa sobrang katorpehan mo non, ako na gumawa ng paraan para maging okey tayo. Hindi ko naman pinagsisisihan iyon, nga lang dahil sa ginawa kong iyon, sakit lang pala magiging kapalit." Pahayag niya dito.
Napangiti ito pero tila ba may pag-aalinlangan.
Hindi niya alam kung bakit pero para bang may nakatagong sekreto ang ngiting iyon.
May bahid din ng lungkot ang mga mata nito kahit pa nakangiti ito sa kanya.
"Ako din, unang kita ko pa lang sayo non alam kong ikaw na ang babaeng nais kong iharap sa altar." Wika nito, sabay inom ng tubig.
"Sira, iharap ka sa altar diyan, halos mabaliw na nga ako nong iwan mo ako eh." Sambakol ang anyong wika niya dito.
Kunwari ay sinisisi niya ito.
"Pwede naman nating ituloy lahat ng plano natin noon, plano lang iyon ng bata. Ngayon na matured na tayo, pwede na nating planuhin ang lahat ng makabubuti sa atin." Wika pa nito.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong niya dito.
"Gusto kong ituloy na ang lahat ng naudlot ng dahil sa biglaang pag alis ko noon. Gusto kong manatili ka bilang girlfriend ko, at manatili ako bilang boyfriend mo. Hanggang sa maging handa na tayong magpakasal na dalawa." Walang kaabog-abog ba turan nito.
Napakagat labi na lang siya dahil sa mga tinuran nito.
Naiinis siya dahil bakit yata tila napakasarap sa pakiramdam niya ang mga binitiwang salita ng lalaki.
ITUTULOY