Kabanata 3: Maling Akala

1215 Words
Palihim na pinagmamasdan ni Jarred si Jerold na noon ay naglalakad na patungo sa hallway na patungo sa room ng crush nitong si Melissa. Kitang-kita sa mukha ng kanyang kapatid na kinakabahan ito at nangangatog pa nga. Gano'n na gano'n kasi ito kapag talagang kinakabahan. Ilang beses pa nitong inalis ang reading glass nito at animo doon ibinubuhos ang kaba dahil paulit-ulit nito iyong pinupunasan tapos isusuot ulit. Pero gayon pa man, nagpatuloy naman ito sa paglalakad kahit na naramdam niya ang matinding kaba nito. Hindi niya alam kung bakit gano'n na lamang ito samantalang ng mga una naman ay ito ang naglalagay ng flowers sa desk ng crush nitong si Melissa. Kitang-kita ang takot sa mga mata nito habang pa lingon-lingon sa paligid. Hindi pa nga man lang ito nakakapasok sa room ni Melissa ay gano'n na ang epekto. Naisip niya na baka may mas malalim pang dahilan kung bakit ganoon ang kaba ng kanyang kapatid, sobra tuloy siyang naaawa dito. Pero ayaw naman niya na magkaroon pa ng kaugnayan sa babaeng nagugustuhan nito. Pero hindi niyang kayang pabayaan na lang ang kapatid. Napalingon siya sa paligid dahil nakapagdesisyon siya na tulungan na lamang ang kanyang kapatid dahil awang awa siya sa itsura nito. Nang matiyak niyang walang ibang tao sa paligid ay minabuti niya na lapitan na lamang ang kanyang kapatid. Bagyang nanlaki ang mga mata nito ng mapansin siya. “K-Kuya akala ko may l-lakad ka.” Kandautal na tanong nito sa kanya sabay salubong. “Naisip kasi kita sabi ko na nga ba at kailangan mo ako, akin na iyan ako na maglalagay sa lamesa niya.” Wika na lamang niya sa kapatid. Tila nakahinga ito ng maluwag at napahawak pa nga ito sa noo, akala mo eh napakahirap ng gagawin. “Sabi ko na nga ba kuya hindi mo ako matitiis, s-salamat ng marami kanina pa nga ako sobrang kaba eh para na ako naiihi sa sobrang kaba ko mabuti na lamang wala pa sila dito.” Tila batang pahayag nito sa kanya. “Mauna ka ng lumabas ako ng bahala dito pasaway ka talaga kahit kailan. Hindi ka na matututo sa mga nais mong gawin kailangan pa talaga palagi akong nasa tabi mo.” Naiiling na wika niya dito sabay kuha ng bulaklak sa kamay nito. “Salamat kuya, basta kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ligawan siya ikaw ang unang-unang makakaalam. Sa ngayon kasi natatakot ako basta may narinig kasi ako na ayaw niya na magkaroon ng kasintahan. Gaya ng sinasabi niya, at kapag nalaman daw niya kung sino yung lalaki na nagbibigay sa kanya ng flowers basted daw agad sa kanya. At kahit na hindi pa nanliligaw, kaya ayaw ko mangyari iyon. Baka lalo na ako mawalan ng lakas ng loob na aminin sa kanya ang aking nararamdaman kaya siguro tama na muna iyong nagtatago ako sa likod ng secret admirer niya.” Malungkot na pahayag nito sa kanya. Doon niya napagtanto na tama ang kanyang hinala na may mas malalim pang dahilan kung bakit natatakot ito na matuklasan ng babae ang tungkol sa pagbibigay nito ng bulaklak. Tama nga ang hinala niya na kahit wala sa star section at sigurado siyang hindi matalino ang babae ay hindi rin basta basta ito makukuha ng kanyang kapatid kaya naman pala ingat na ingat ito sa mga ikinikilos. Kaya pala nakikiusap ito sa kanya na siya ang maglagay dahil nga naman kapag nahuli siya ay agad-agad na babastedin siya ng babae at syempre si Jerold ay may pag-asa pa rin sa babae. Nakakatawa lang dahil kung nagkataon pala ay mababasted siya na wala sa oras kahit hindi naman siya nanliligaw. Pero para lamang sa kanyang kapatid ay handa naman niya gawin ang lahat tsaka wala namang mawawala siguro sa kanya lalo pa at hindi naman talaga siya nanliligaw sa babae. “Naku kaduwagan lamang yang ganyang ginagawa mo Jerold ano naman kung ma-basted ka edi manligaw ka ulit.” Naiiling na wika niya sa kapatid. “Ayaw ko kuya eh baka hindi na niya ako matanggap hindi ko makakaya.” wika pa nito na tila bata. Balisa habang tinitingnan ang paligid baka natatakot na baka may makakita sa kanila doon pero maaga pa kaya imposibleng may maligaw agad na estudyante doon. “Okay sige na umalis ka na, ako ng bahala dito." Pagtataboy niya dito. Sobrang napakaduwag talaga ng pasaway. Nang naglakad na ito palayo saka na siya nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa loob ng room nina Melissa. Napabuntunghininga pa siya bago tuluyang humakbang papasok sa silid. At deritso siya agad sa upuan ni Malissa. Lumingon muna siya muli sa labas ng room dahil sa takot na may makakita sa kanya. Nang matiyak na mag-isa lamang siya sa silid na iyon, inilagay na niya ang flowers sa ibabaw ng upuan nito at agad na siyang tumalikod para lumabas ng silid na iyon. Deri-deritso siya kaya naman hindi na niya napansin ng gumalaw ang kabinet na nasa may gilid ng room at bahagyang pagtili ng kung sinong naka-kuble doon. Sumilip si Melissa sa nakasiwang na pinto, kanina pa sila doon. Sarado pa nga ang gate ng sila ay dumating kaya naman naghintay silang buksan iyon ng guard. Kaya naman sila ang kauna-unahang estudyante sa kanilang campus. Nang buksan na ng guard ang gate, agad na silang dumiretso sa kanilang room. At doon,nagtiyaga silang naghintay kung may darating ngang secret admirer. Merong empty cabinet sa gilid ng room nila, doon sila nagtago ni Rose at si Jaz naman ay pinagkasya ang sarili sa table ng kanilang adviser. "Shiitttt! Tama kami ni Rose! Yohoooo!" Narinig nilang tili ni Jaz na noon ay lumabas na sa ilalim ng mesa ng kanilang adviser. Siya naman ay lutang pa rin at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Agad siyang itunulak ni Rose palabas ng cabinet dahil kahit nakabukas na ang pinto niyon ay hindi pa rin niya magawang humakbang. "Sabi ko na eh, di ka kasi naniniwala sa'min Melissa. So pano ba yan, ngayong alam na natin? Anong plano?" Nakangising tanong ni Rose sa kanya. Siya naman ay tila lutang pa ring lumapit sa kanyang upuan sabay dampot ng isang dosenang white roses na favorite niya. Ni sa hinagap ay hindi talaga niya maisip man lang na si Jarred Suarez ang lalaking kaniyang hinahanap. "Oo nga, Melissa sige na komprontahin mo siya. Tsaka kapag nagbalak na ligawan ka sagutin mo na kaagad 'no! Wag ka ng magpakipot diyan,hello si Jarred Suarez na iyon. Senior man siya sa'tin pero grabe iyon, crush ng campus iyon. Buti na lang talaga hindi si Jerold na kapatid niya. Pansin ko kasi kay Jerold palaging under ng magiging kasintahan iyon." Wika ni Jaz na mas mukha pang excitex kasi sa payo nitong sagutin niya kapag nanligaw si Jarred. "Tama Melissa, support naman namin kayo ni Jaz eh. Tsaka ang cool kaya non, mas matanda sayo ang boyfriend mo! Ayiieee... can't wait sa 1st kiss na magaganap!" Kinikilig na wika naman ni Rose. "Bruha! Sobrang advance naman, nasa kiss ka kaagad eh di pa nga natin sure." Natatawang wika niya dito. Pero sa totoo lang, tuliro ngayon ang kanyang isioan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang katulad niya ay may tagahangang Jarred Suarez? Isang lalaking hinahangaan at pinapangarap ng lahat sa kanilang campus. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD