ANG tayog ng sugay ng isang ‘to. Nakakahawa ang pagiging demonyo n’ya. How brave of him to mock my son? At tuwang-tuwa pa talaga sa sinabi kong nakunan ako. I can feel his internal laughs. Nginingisihan lang n’ya ako ngayon pero alam ko, tinatawanan n’ya na ako nito. I had to lie. What else I can do? Kung hindi ako magsisinungaling, ang buhay ng anak ko ‘yong malalagay sa alanganin. Ito ang sinasabi ko kay Jessie na wala dapat s’yang ipagalala dahil iyon ang gagamitin kong dahilan para safe si Devillion. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin nitong gurangit na demonyong ‘to kapag nalaman n’yang buhay si Devillion. May kapangyarihan s’yang kunin ang anak ko. He is one of the superiors here. S'ya rin ang nakapag sabi n'yan noon. Nangangarag ang mga ugat ko. Parang nabunutan s’ya ng ti

