"Kasalukuyan naming mino-monitor ang isang barko na lalayag mamaya." Tulog si Farrah. Pagkatapos nitong kumain ay basta na lang itong humilata at umunan sa hita ko. Gusto ko sanang magtungo sa balcony para roon makipag-usap pero inaalala ko na baka magising ang dalaga sa hita ko kapag umalis ako. Ginawa ba naman kasi ako nitong unan. "Ingat, Dale." Bilin ko sa kapatid. "Of course. A-attend pa kami ng kasal mo." Bahagya akong natawa. "Of course, brother." Nanatili akong nakikinig. Dahil sa pagtatago ni William Apolinario, inisip ng mga taong tumutugis dito na tumigil na s'ya sa ibang gawain n'ya. Pero nagkamali sila, mas lumawak pa pala ang operation ng mga illegal na negosyo nito sa tulong ng mga matatalik nitong kaibigan. Ang barkong mino-monitor ng mga ito ay may mga kabataan

