Alam kong gusto ni Thaddeus na makapag-usap sila ni Cathaline. Pero nasa puso pa rin nito iyong takot. Ang lalim kasi no'ng sugat na nagawa ng mga ito kay Thaddeus. Pero alam ko rin na gusto nitong maka-attend si Cathaline ng kasal namin. Hindi man nito masabi sa akin ng deretso ay pansin ko na paulit-ulit itong nagtatanong kung pwedeng magsingit pa ng isang guest. Ayos lang naman iyon, oo rin ang sagot ko. Pero kapag tinanong ko naman ay nevermind lang ang sagot nito. Kaya ngayon, habang nasa office si Thaddeus at nagpapayaman... char! Habang abala ito sa trabaho ay nagpasama ako kay Mama na i-meet ang ginang. Iyong dalawang kalbo na tauhan ni William Apolinario, kinuha sila ni Thaddeus at ginawang bodyguard ko. Binigyan ng magandang sahod at benifits. Pati mga anak nila ay binigyan

