"Ma!" kalmadong tawag ko sa aking ina. Pansamantalang narito si Mama, si Feri at Evo sa bahay namin ni Thaddeus sa Hombre Fuerte Homes. Si Mang Dennis ay naiwan sa bahay dahil sa mga alagang pusa ni Mama. Kabuwanan ko na, kaya naman kailangan palagi akong may kasama. Kanina pa ako hindi mapakali, si Mama na tinawag ko ay agad na lumapit at inabot ang kamay ko. "Bakit? Ayos ka lang?" hindi ko alam kung bakit si mama Ang inimbitahan nitong dito mag-stay habang nasa work pa. Mas nerbyosa pa kasi ito sa akin. Namumutla pa nga ito sa tuwing tinatawag ko s'ya. May nurse naman kaming kasama na noong lunes lang dumating. May guards and maids na rin kaya naman marami rin kami ngayon dito. Ready rin ang birthing clinic na narito lang sa HFH. Kampante ako, pero hindi si Mama. Hindi rin si Thaddeu

