Gabi na pero narito pa rin kami kila Mama. Mas nagtagal kaming tumambay sa garden at nagkwentuhan ni Thaddeus. Masarap kausap ang lalaki, halatang matalino at may sense ang mga sinasabi nito. "Kain tayo?" tanong ko rito nang pumasok na kami sa bahay. "Okay." Nakahawak ito sa kamay ko nang pumasok naman kami sa kusina. Umupo ito sa monoblock chair habang ako naman ay nagsimulang magsandok ng kanin sa kaldero. Pinakikiramdaman ko rin ang lalaki. Kung si Agassi ito ay tiyak na marami itong maaalalang memories sa kusinang ito. Pero tiyak na kapag binuksan ko ang usapan tungkol sa yumao kong kasintahan ay may mood na namang masisira. Nang kumakain na kami'y pasulyap-sulyap lang kaming dalawa sa isa't isa. Magkakangitian saka kain ulit. Nang bumuhos ang ulan ay pinuntahan kami ni Mama.

