Nagising ako na may mahigpit nang nakayakap sa akin. Nang tignan ko ang salarin ay si Thaddeus na naghihilik din. Sumiksik ito sa upuan na kinahihigaan ko. "Thad!" tawag ko rito. "5 minutes!" hirit nito na nagising nang tanggalin ko ang nakayakap nitong kamay sa akin. Hindi kami magkarelasyon para magdikit kami ng ganito. Sa edad kong ito ay si Agassi pa lang ang nakalapit sa akin na as in dikit na dikit talaga. Of course, komportable ako sa taong iyon. Bata pa rin kami no'ng panahon n iyon. Pero iyong nararamdaman kong comfort sa bisig ni Thaddeus ngayon ay gano'n din kay Agassi. Possible ba iyon? Oh, baka masyado ko lang nami-miss si Agassi? Muli itong yumakap nang mahigpit sa akin. "A-gassi!" mahinang usal ko. Alam kong narinig nito iyon. Kaya nga agad itong kumalas sa pagkaka

