"Kami na po ang bahala rito, Ate Kali." Napansin ata ng mga tauhan ko na inaantok na ako. May mga customer pa kasi, ang branch na ito ay malapit sa isang university. Kaya may mga panggabing estudyante na madalas dito nagpapalipas ng antok nila. "Oo nga, Ate Kali. Kami na po ang bahala rito." May dalawa akong working student na nagpa-part time rito sa coffee shop, isang guard at tatlo pang tauhan. Ako ang nagba-bake ng mga cakes na sine-serve. Dedication talaga sa ginagawa ang kailangan. Kahit nakakapagod ay yakang-yaka. Gusto ko rin kasing may mapatunayan. "Okay, huwag nang magpapasok ng customer. Kapag nakaalis na sila ay isara n'yo na." Tukoy ko sa mga estudyante na narito pa rin. "Opo." Sabay na sagot ni Mican at Ciello. Pumasok ako sa office at kinuha lang ang bag at susi. Saka

