"Kanina ka pa tahimik." Pukaw ko sa dalagang simula nang balikan ko sa silid ay tahimik lang. Humakbang ako palapit dito at sinalat ang noo nito. Unti-unting nagsalubong ang kilay ko nang maramdaman kong mainit ito."Farrah, nilalagnat ka." Hindi nagmulat ng mata ang dalaga. Tulog pala ito kaya tahimik. Agad na tinawag ko si Mommy sa labis na pag-aalala sa dalaga. "Kali!" panggigising ng aking ina sa dalaga. Saka lang nagmulat ang babae, halata sa mukha na may dinaramdam. "Mom, tingin mo kaya dahil iyon sa nangyari sa amin?" hindi na nahiyang itago pa iyon. Nagsalubong ang kilay ni Mommy saka napasimangot. "Hays! Manang-mana talaga kayo sa ama n'yo." Inirapan ako nito."Tawagan mo si Doctora at papuntahin dito." Tumango naman ako at dali-daling kinuha ang cellphone ko. Pakiramdam k

