"Kuya!" agad na tumakbo ang batang babae sa direksyon ko. Kahit ngayon pa lang kami personal na nagkita ay mukhang hindi naman ito nakadama nang pagkailang. Mabilis ako nitong niyakap. Napabungisngis pa ito nang tignan ko na gulat na gulat. "Isa." Malambing na ani ko sa bunsong kapatid. "Ang saya-saya ko. May xerox copy si Kuya Theo." Malawak ang ngising ani nito. Natawa kami dahil doon. Sinulyapan ko si Mommy na ngayon ay malawak ang ngiti, pero nangingilid ang luha. "Pwede ko bang mayakap ang anak ko?" malambing na ani nito. Agad lumayo si Isa sa akin saka ako humakbang palapit kay Mommy at yumakap dito. Hindi na napigil ng aking ina ang mapahagulgol ng iyak. Naramdaman ko ang init nang pag-welcome nila sa akin. Agad akong tinanggap ng pamilyang ito. Si Mommy at Daddy rin a

