96

2037 Words

"Kali! Diyos ko kang bata ka." Mahigpit akong niyakap ng aking ina. Nakauwi na ako sa mansion ni Papa, saka pinasundo ni Thaddeus sila Mama para magtungo rito sa mansion. Okay naman na si Mama at Lola kaya naman pinapasok na ang mama ko at ang mga kapatid ko. "Ayos na po ako." Alo ko rito. Masyadong nakabibigat sa dibdib iyong paraan nito nang pag-iyak. "Alam mo bang halos hindi na ako makatulog sa labis na pag-aalala sa 'yo. Anak naman, huwag mong pinag-aalala ng gano'n ang mama. Matanda na ako, hindi na kaya ng dibdib ko iyong gano'n." "Opo. Hindi na po ito mauulit." Alo ko rito. "Takot na takot ako, Kali." "Alam ko po. Hindi po ako pinabayaan ni Thaddeus, Ma. Tahan na po kayo." Muli ako nitong niyakap nang mahigpit. Pagkatapos ay iginiya ko na lang s'ya sa couch. Pinanonood kam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD