Shelly Hinintay kong makauwi si Ross sa bahay at nagpahatid ako sa Zion's. I badly want to see Rafe. Isang yakap nya lang ay mapapawi na ang pag aalala ko. I am not sure how Bernard took it. He looked way too calm. Isn't that what is scary? The calm before the storm. Ipinilig ko ang ulo ko at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang. I got here at Zion's at exactly three in the afternoon. I asked the staff at the front lobby where I can find Rafe's office and she told me. Isang beses lang ako nakapunta dito at alam kong malapit iyon sa washroom dito sa ground floor pero gusto ko pa ring makasiguro at baka ibang pinto ang mabuksan ko. Hindi na ako nag abalang i-text sya o tawagan dahil alam naman nyang pupunta ako ngayon. In fact, gusto ko nga