Rafe Nang makarating kami ng Oslob ay naghintay kami ng turn namin para sa paglangoy kasama ang mga pating. Shelly looked uneasy. "Are you okay? You look pale." Ngumiwi sya. "Sino ba naman ang hindi mamumutla, yung mga normal na tao lumalangoy palayo sa pating pero ikaw talagang nagbayad pa ara sabayan silang lumangoy." Napahilamos sya sa mukha nya. Ako naman ay tuluyan ng napatawa sa itsura nya. "Hindi mo naman kailangang sumama sa akin, pwede ka naman maiwan dito." Sabi ko sa kanya at tinapik tapik ang balikat nya. Tinaliman nya ako ng tingin. "Ano namang tingin mo sa akin? Papabayaan kita lumangoy mag isa? Eh kung lapain ka nun?" Tumatawa ako ng walang tunog at lalo ng tumalim ang mga mata nya. "Stop laughing Julian!" Kapag tinawag na nya ako sa second name ko ay pikon na yan.