Mula sa mga newspaper, sa mga news program at social media. s*x scandal namin ni pogi ang pinag-uusapan. Halata namang kumikilos na ang lalaki para linisin iyon. Nalaman ko rin na nagpa-schedule na ito ng presscon para linisin ang issue na ito. Ang baba nang tingin sa akin ng mga tao. Nahusgahan agad. "Malandi, pumatol sa lalaking malayo ang agwat ng edad sa kanya." Isa lang ang comment na iyon sa nabasa ko. Hindi naman ako na hurt. Balak ko pa nga sanang mag-comment pero kinurot ako ni Mommy sa baba nang mahuli n'ya akong nagbabasa ng mga comment ng mga netizen. Sasabihin ko pa sanang, 'Pasalamat nga iyong matandang iyon na pinatulan ko siya.' Char! Lahat ng text at tawag ni pogi ay hindi ko sinagot. Miss na miss ko na siya, kahit na 2 days pa lang simula nang lumabas ang 's*x vid