Mahigpit na yakap pagbaba ko pa lang ng sasakyan ang isinalubong n'ya sa akin. Walang salitang namutawi, basta nagyakapan lang kami nito. Ilang minuto, oo minuto ang lumipas. Gano'n pa rin ang ayos namin. Nang maglayo ay iginiya na ako nito papasok sa mansion. Dumeretso agad sa kwarto at piniling magtungo sa balcony. Pag-upo ni Mec sa couch ay kumandong naman ako rito saka hinayaan itong ikulong n'ya ako sa kanyang bisig. "What happened, baby? Anong nangyari sa atin nitong mga nakalipas na araw?" mahinang usal nito. Halatang walang maayos na tulog. 3 days, pero parang taon na ang tagal nang ginawa nitong paghihintay. "I'm sorry." Iyon agad ang unang salitang namutawi sa labi. "Sorry, kasi masyado pa rin akong isip bata. Hindi ko na uulitin iyon." "Don't cry, baby. May pagkakamali