Malakas na kalabugan ang maririnig sa silid ng aking anak. Ito na naman siya, nagsisimula na namang magwala. Hindi ko maiwasang mapabuntonghininga. Halos weekly na lang ay kailangan magpalit ng gamit, para sa silid nito. Hindi nito kayang kontrolin ang emosyon nito. Kapag galit ito'y sa mga gamit nito iyon ibinubuhos. "Sir, ano pong gagawin natin?" tanong nang nag-aalalang yaya ni Angel. "Manang, hayaan n'yo lang muna siya. Pagkatapos n'yang magwala ay ilipat n'yo siya sa silid sa ibaba. Para matanggal ang mga sirang gamit sa kwarto." "Hijo, baka naman kasi kailangan na natin ng doktor para sa batang iyan. Bakit kasi hindi mo ikonsedera ang suggestion ko?" tanong ni Manang Cherry sa akin. Bata pa lang si Angel ay palagi na nitong nababanggit na parang may mali sa anak ko. Pero wala