Chapter two
Operation: Husband
“Thirty days?”
Halos sabay-sabay na napatingin sa akin sina Isabella, Psyche, at Adelaide.
Tumango ako habang nakaupo sa couch, hawak ang baso ng iced coffee.
“Thirty days.” Parang labas sa ilong na sagot ko.
“And if you don't find someone?” tanong ni Isabella.
“Mommy and Daddy will find one for me.”
Napangiwi ako sa sinabi ko. Naiisip ko pa lang na may mahahanap nga sila ay parang gusto ko na lang lumaklak ng alak sa bar at hindi na magpakita sa magulang ko.
“Hindi ko alam kung sino ang mas nakakatakot—iyong ultimatum ng mommy ko o iyong posibilidad na makahanap sila ng lalaking ipapakasal sa akin.”
“Definitely your mother,” mabilis na sagot ni Psyche.
Napatawa si Adelaide.
Kilalang-kilala nila ang magulang ko, ganon din ako sa magulang nila. Nasa iisang subdivision lang ang bahay namin. Magkakaibigan ang mga magulang nila. Alam nila kung kaninong magulang dapat matakot, at kung sino ang mga chill lang na magulang.
“Wait. So your parents are seriously planning to arrange your marriage?”
“Hindi ko alam kung seryoso sila sa marriage part,” sagot ko. “Pero seryoso si Mommy sa apo.”
Nakakaiyak. Nas-stress ang beauty ko dahil sa ultimatum ni mommy.
“Of course.”
Umiling si Isabella.
“Your mother has been talking about grandchildren for years.”
Alam ko naman iyon. Sa tagal na ay hindi ko pa rin napagbibigyan ang nanay ko.
“Exactly!”
Ibinagsak ko ang katawan ko sa couch.
“Dati, tinatanong lang niya kung may boyfriend na ako. Ngayon, gusto na niyang may apo. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Mag-spawn ako?”
Napahalakhak si Psyche.
“Technically, kailangan mo munang magkaroon ng lalaki.”
“Thank you for reminding me," sarcastic na sagot ko.
“I'm just stating facts.”
“Psyche.”
“What?”
Tiningnan ko siya nang masama pero lalo lamang siyang natawa.
Tahimik naman si Adelaide habang nakatingin sa akin.
“So what are you going to do?”
Napaisip ako.
“I don't know.”
“Then find someone,” sabi ni Isabella.
Napatingin ako sa kanya. Kung makapagsalita ay para bang napakadali lang maghanap ng someone.
“Someone?” at saan ko naman mahahanap iyang someone na iyan?
“Someone you can introduce to your parents.”
“Boyfriend?” ani ko.
“Better.”
Tumayo siya at kinuha ang phone niya.
“Future husband.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“Isabella!”
“What?”
“Hindi ganoon kadali iyon.”
“Why not?”
“Wala akong kilala.”
“Then find one.”
Napailing ako.
“You're all crazy.” Tama bang sa kanila ko sinabi? Hindi naman yata nila ako matutulungan sa problema ko.
“Not crazy,” sabi ni Adelaide. “We're helping you.”
“Helping me get married?” gano'n din iyon. Parang iyong gusto pa rin ng mommy ko ang masusunod.
“Helping you avoid an arranged marriage.”
Natigilan ako.
May punto siya.
Ayokong may ibang taong pumili para sa akin. Lalo na ang parents ko.
Kung kailangan kong magpakilala ng lalaki sa kanila para tumigil sila sa paghahanap ng mapapangasawa ko, then maybe I should do exactly that.
Pero saan naman ako kukuha ng lalaki?
“Wait,” sabi ni Psyche. “What if we make this a challenge?”
Napatingin kaming lahat sa kanya.
“A challenge?” ulit ko. Mukhang nag-e-enjoy sila sa takbo ng usapan habang ako'y nae-stress.
“Yes.”
Napangiti siya.
“Thirty days. Thirty days to find Macey a husband.”
Gano'n lang sana iyon kadali. Pero no! Walang madali dahil kung easy ito... ako na lang ang gagawa.
“Temporary husband,” paglilinaw ko agad.
“Whatever.”
Tumayo si Isabella.
“I'm in.”
“Of course you are.”
Tumingin sa amin si Adelaide bago rin tumango.
“I'm in.”
Napabuntonghininga ako.
“Fine.”
Biglang ngumisi si Psyche.
“Then it's official.”
Tumayo siya at iniangat ang isang kamay na parang nagsisimula ng importanteng meeting.
“Operation: Husband.”
Nagtawanan kami. Seryoso ba sila? Parang mga siraulo rin itong mga ito.
“Seriously?” tanong ko.
“Yes.”
“Ang corny.”
“Pero effective.”
Napailing ako bago napangiti.
“Fine. Operation: Husband.”
Agad na naupo si Isabella at binuksan ang notes app sa phone niya.
“First, qualifications.”
“Qualifications?”
“Of course. Hindi tayo kukuha ng kung sino-sino.”
Tumango si Adelaide. Sang-ayon ako roon. Baka isako ng magulang ko kung kung sino-sino lang ang dadalhin ko sa bahay. Kailangan iyong kayang humarap sa magulang ko at hindi mai-intimidate.
“She's right.”
“Okay,” sabi ko. “Number one—single.”
“Obviously,” sagot ni Psyche.
“Number two, walang criminal record.”
“Very important,” dagdag ni Adelaide.
“Number three, hindi babaero.”
Napatingin si Psyche sa akin.
“Good luck.”
“Hey!”
Tumawa siya.
“I'm just saying. You're looking for a man. Babaero ang specialty nila.”
“Psyche!” saway ko.
“Okay, okay. Continue.”
“Number four, financially stable.”
Napataas ang kilay ni Adelaide.
“Financially stable or rich?”
“Stable," sagot ko.
“Liar,” singit ni Psyche. "Hindi maniniwala ang parents mo na papatol ka sa lalaking hindi mo ka-level o hindi nahigitan ang laman ng bank account mo. Maluho ka, Macey Dominique. Hindi ka mabubuhay ng lalaking 'stable'."
“Okay! Rich!” sukong ani ko. Kilalang-kilala talaga ako ng mga kaibigan ko.
Nagtawanan sila.
“Number five,” sabi ni Isabella, “handsome.”
“Definitely.” Sang-ayon ko agad. Aminado akong judgemental akong tao. Kaya naman hindi pwedeng pangit ang bitbitin ko at iharap sa magulang ko. Kailangan gwapo dahil kung pangit... tiyak kong ako ang unang mangju-judge.
“Number six, dapat kayang harapin ang parents mo.”
Napahinto ako.
“That might be difficult.”
“Why?”
“My mother interrogates everyone. Kailangan iyong mahanap natin ay confident talaga. Hindi mababahag ang buntot kapag humarap sa parents ko. Iyon siguro ang pinakamahirap.”
“Then he needs to be brave. Hahanap tayo ng lalaking may balls na humarap sa magulang mo ng walang takot.”
Napangiti ako.
Kabado talaga ako na baka totoohanan ng parents ko ang sinabi nila na hahanap na sila ng lalaki para sa akin. Alam ko kasing kapag sinabi nila... sinabi talaga nila. Tinototoo nila. Kaya hindi nila ako pwedeng maunahan.
Maybe this could actually work.
Find a man.
Introduce him to my parents.
Make them believe that I'm finally ready to settle down.
And once they stop worrying about me, everything goes back to normal.
“Wait,” biglang sabi ni Adelaide.
“What?”
“What if he doesn't have to be your real boyfriend?”
Napakunot ang noo ko.
“Fake boyfriend?”
Tumango siya.
“Exactly.”
Napaisip ako.
“That might actually work.”
“Of course it will,” sabi ni Isabella. “You only need someone willing to pretend.”
“Someone who won't ask too many questions,” dagdag ni Psyche.
“Someone who won't fall in love with you,” sabi ni Adelaide.
Napatawa ako.
“Why would anyone fall in love with me?”
Tatlo silang sabay-sabay na tumingin sa akin.
“What?”
“Nothing,” sabi ni Isabella.
“Absolutely nothing,” dagdag ni Psyche.
Napailing ako.
“Anyway, that's not going to happen.”
I crossed my arms.
“This is only temporary.”
“Thirty days,” paalala ni Adelaide.
“Thirty days.”
“And then?”
“Then we break up.”
“Simple.”
Tumango ako.
Simple.
That's exactly what I needed.
A simple solution to a simple problem.
Thirty days.
One man.
One fake relationship.
Then everything would be over.
“Tomorrow,” sabi ni Isabella, “we start looking.”
“Tomorrow?”
“Yes.”
“Why not today?”
“Because we need a proper plan.”
Napangiti si Psyche.
“And because finding your husband is going to be exhausting.”
“I'm beginning to regret telling you three.”
“Too late,” sagot ni Adelaide.
“We're already invested.”
Napatawa ako.
For the next few minutes, pinag-usapan namin kung saan kami magsisimula.
Dating apps.
Parties.
Business events.
Friends of friends.
Even blind dates.
Lahat ay pinag-isipan namin.
At habang nakikinig ako sa kanila, unti-unting nabuo sa isip ko ang isang bagay.
Maybe I could actually do this.
Maybe I could find someone before my parents did.
Maybe I could finally prove to them that I was capable of making my own decisions.
I smiled and raised my glass.
“To Operation: Husband.”
Nagbanggaan ang mga baso namin.
“To Operation: Husband!”
Masaya pa akong nakitawa sa kanila.