"Hindi mo naman sinabing may hired gardener ka pala rito, Xylca. At hindi lang basta-basta ha. May-ari lang naman ng construction company." Sumilip ako ng bahagya sa pinto sa tabi ni Pariah para tingnan ang lalaking mukhang masayang-masaya sa ginagawa. May pasayaw-sayaw pa nga ito at pakanta-kanta. Naiiling na bumalik din naman agad ako sa paghuhugas ng pinggan. Tanghaling-tapat ay bigla na lang sumulpot si Pierce at nagdesisyong linisin ang likod-bahay. Nagdala pa nga ito ng bouquet ng bulaklak at ilang boxes ng chocolate na inubos lang ni Pariah. "Fren, hatdan mo naman ng tubig si Pierce o. Parang mahihimatay na sa kaka-mower ng mga damo mo." "Hindi ko naman siya inutusang kalbuhin ang garden ko. Paladesisyon iyan. Ginagawang kawawa ang sarili para kaawaan ko." Pinunasan ko ang ka