SKYE "Bored already?" Nilingon ko si Cliffer. Gaya ko, may hawak din siyang wineglass sa isang kamay habang nakatayo kami sa round high table at nakamasid lang sa mga tao. Kasama si One ay um-attend kami ng isang event sa isang five-star hotel dito sa Manila. Nandito ang malalaki at kilalang tao sa mundo ng business. At ang goal namin ay makakuha ng additional investors for MG-Tech In. Dahil mabilis na pina-terminate ang kontrata sa Spencer Technologies, kinailangan ding maghanap ng panibagong investor para sa kompanya. At hindi naman iyon malabong mangyari dahil kausap na ni One ngayon ang CEO ng isang sikat na advertising company sa bansa. Si Hailene Gatchalian. Nagkibit-balikat lang ako sa tanong ni Cliffer bago ibinalik ang tingin kay One at sa kausap nito. Base pa lang sa nakikita