SKYE Silence. An awkward silence. An awkward and defeaning silence. Tanging ang mahinang pagbuga ng aircon sa loob ng kotse at ang maiingay na busina ng mga sasakyan sa labas ang maririnig sa biyahe. And to make the situation more awkward inside the car, nakaupo ako dito sa passenger seat habang si One ang nasa likod ng manibela at nagda-drive. After what happened between us on the stage, walang salitang hinawakan niya ako sa isang kamay at bumaba kami sa platform hanggang sa biglang ianunsiyo ni One na uuwi na raw kami. Mas lalong lumakas ang panunukso mg mga katrabaho namin dahil doon. "Ayiie! Uuwi na ba talaga o pupunta lang sa biglang-liko?" "Baka may more than kissing nang maganap?" "We know you two are both adults na, but don't forget to use protection, guys!" Ilan lang sa