ALEA "Alea? May pupuntahan ka ba ngayon?" Tumingin ako kay Austin ng magtanong ito sa akin. "Yes. Why, Austin?" I asked back. Umiling ito sa akin, "gusto mo hatid na kita?" Napakunot ang aking noo dahil sa inaasta niya ngayon. Ilang araw na siyang balisa at laging tinatanong sa akin kung saan ako pupunta, sino kikitain ko at higit sa lahat mahalaga ba raw ang mga lakad ko. Simula nu'ng nakipagkita ako kay Jona. Kilala naman niya si Jona. Alam niyang matalik na kaibigan ko ang isang iyon. "Uhm... Sige, kung wala ka namang ginagawa pero... Diba? May client ka today?" Bigla kong naisip niyong tumawag kagabi. Unknown number. "Mukhang malaking client niyon, Austin. Sayang naman..." Dagdag ko pa rito. "Yes, I have a client today. Pero, I insist, ihahatid kita kung sa'n ka pupunta n