Chapter 33

1115 Words

ALEA Naintriga ako sa binulong ni Grant sa kanya. Kinalabit ko ito, "ano iyong binulong ni Grant sa'yo?" I asked. Ngumiti ito at saka umiling, "for adult only." Ani nito sa akin at saka niyakap ako. "Malaki naman na ako. Tungkol saan niyon?" Sabay palo ko rito. Ngumisi ito sa akin, "for me you're a baby." Ani nito at iniwan ako sa sofa. Tinawag kasi siya ng Daddy niya, e. Nag-uusap sila ngayon tungkol sa amin, nandoon din sila Mama. Bakit hindi nila ako isama sa usapan nila? Ako iyong fiancee diba? "Finally, makakasuot na rin ako ng gown. Pang-abay na gown nga lang." Napalingon ako kay ate Toni ng magsalita ito. Busy siya sa kanyang phone, hindi ko alam kung sila pa rin nu'ng boyfriend niyang kano. Tumingin ito sa akin, "congratulations. Feeling ko ako ang next na ikakasal."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD