ALEA Hindi ako makatulog dahil sa sinabi niya kanina. Bumaba ako sa aking kama at saka lumabas ng k'warto. Sa paglabas ko, nakita ko sa may sala si Vicente na mag-isang umiinom. Papaliko na sana ulit ako papasok sa k'warto ng lumingon siya sa akin. "Can't sleep?" He asked habang tinungga ang isang boteng alak. Tumango ako rito. Sino ba naman ang makakatulog sa napanood mo kanina at sa sinabi niya. Sino ha? Ti-nap niya ang sofa sa tabi niya, na parang pinapaupo niya ako. "Uhm. . . Matutulog na ako. S-sige." Pagtanggi ko rito. "Come on. . . Please," napahinto ako sa paghakbang dahil sa sinabi niya. Nakatingin pa rin siya sa akin, "marami ka na yatang nainom, matulog ka na rin." May nakita kasi akong isang bote na wala ng laman. "Please, samahan mo lang a-ako. . ." Sabay sinok n