ALEA "Bakit ka umuwi, Alea?" Heto agad ang bungad sa akin ni Jona ng sagutin ko ang tawag niya. Ilang araw na ba akong nasa probinsya namin? Pang-three days ko na yata ngayon. Umuwi rin si Austin kinabukasan ng ihatid niya ako, may work pa siyang aasikasuhin doon, e. "Kailangan kong umuwi, e. And, nandito na ako nakatira, Jona? Bakit ka ba napatawag?" I asked habang nag-aayos, pupunta kasi ako ngayon sa Division of School rito sa Torrijos, inaayos ko na iyong papers ko for teaching. "I mean. . . Akala ko dito ka hanggang ikasal kaming dalawa?" Pagtataas niya ng boses sa akin. "Jona, akala ko ba sure ka ng magpapakasal kay Kevin? Dapat ikaw mismo mag-asikaso ng kasal niyong dalawa parang pakiramdam ko, ako ang ikakasal, e." Tumingin muna ako sa salamin at pinagpasyahang kunin na