"HINDI ko naisip minsan man na pwede akong maging ganito kasaya" si Andrew habang nagmamaneho. Pauwi na sila noon. Pagkatapos magsimba ay nag-lunch sila sa isang restaurant. Naglambing pa ng amusement arcade si Andrea sa ama nito kaya naman ang ending ay napagod ng husto ang bata na masarap ang tulog ngayon sa backseat. Ngumiti lang si Lana saka sinulyapan ang binata. At dahil nga nanatili siyang tahimik ay muling nagsalita si Andrew. Nabigla pa ang dalaga nang bigla nitong ginagap ang kamay niya saka marahang pinisil. "Sa tingin mo, can we give it a try?" si Andrew na nanatiling naka-focus ang paningin sa daan. Mabilis ang t***k ng puso ni Lana nang mga sandaling iyon. Pakiramdam niya nakukuryente siya gawa ng mahigpit na pagkakahawak ni Andrew sa kamay niya. "A-Alam ko sinabi ko say