"HEY!" gabi na at inabutan ni Andrew na gising pa ang kapatid na si Samantha. Nakangiti siyang hinarap ng kapatid. "Akala ko hindi kana darating" anitong kumuha ng isang baso saka nilagyan ng yelo pagkatapos ay sinalinan ng alak. "Dumaan kasi ako kina Lana" ang binatang lumapad ang ngiti sa pagkakabanggit sa pangalan ng dalaga. Nanunukso ang ngiti sa mga labing sumagot si Sam. "You look so happy and contented, Kuya" anitong sinimsim ang alak sa sarili nitong baso. Muling napangiti si Andrew sa narinig. "Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Pero totoo iyan, kontento at masaya ako ngayon. Hindi ko pa ito naramdaman kahit kailan, ngayon lang" ang binatang hindi napalis ang ngiti samba labi. "Kailan mo ba ako ipakikilala sa mag-ina mo?" tanong muli ni Sam sa kaniya. Nagkibit ng bali