"HINDI man siguro naging ganoon kaganda ang simula nating dalawa para sa iba, pero hinding-hindi ko iyon ipagpapalit kasi para sa akin isa iyon sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko" ang isinagot ni Lana makalipas ang ilang sandali. Maganda ang kislap sa mga mata ni Andrew dahil doon. "Yeah?" Tumango si Lana saka masuyong hinaplos ang gwapong mukha ni Andrew. "Yes, at dahil iyon sa anak natin, kay Andrea" sagot niya. Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Andrew. Kinuha nito ang kanyang kamay saka inilapit sa labi nito at hinalikan. "Salamat, at patawad" ang sa halip ay isinagot ng binata. "Patawad?" bahagya pang nagsalubong ang mga kilay ng dalaga dahil sa sinabing iyon ni Andrew. Tumango-tango si Andrew saka ibinaba ang kamay niya pero nanatiling hawak nito. "Sa lahat ng pagk