NASA ganoong ayos si Lana nang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon para alamin kung sino ang tumatawag. Mabilis at awtomatikong kumabog ang dibdib niya nang makita si Andrew iyon. Sa isang iglap, ang lahat ng lungkot na nararamdaman niya kanina dahil sa naging pagtatalo nila ni Marius ay agad na naglaho. Sa halip ay napalitan iyon ng magkahalong kaba at excitement na nagpangiti sa kanya. "Hey" ang bungad ni Andrew sa masaya nitong tono. Maluwang ang pagkakangiting sumagot si Lana. "Hi, napatawag ka?" aniyang ngiting-ngiti. "Can you do me a favor sweetheart?" ang malambing na tanong sa kanya ni Andrew sa tono na alam niyang hindi niya kayang tanggihan. "Sure, basta kaya ko" ang naisipan niyang isagot kahit ang totoo alam naman niya sa sarili niyang 'oo' ang isasagot niya