PAGKATANGGAL ng seat belt ay hindi muna ako agad bumaba. Nilingon ko si Israel na nag-alis na rin ng seat belt, pero mukhang walang balak lumabas. We barely talk on our way to the university. Bukod sa ang hirap magpasimula ng pwede naming mapag-usapan, nakakailang din dahil sobrang tipid sumagot ni Israel na para bang napipilitan lang. “Uhm… dito ka lang ba?” He shrugged. “Where else? Ginawa mo ‘kong driver mo. Saan ba dapat maghintay ang driver kung hindi sa sasakyan ng amo niya?” “Grabe ka naman!” banayad na angil ko, pero medyo nanlumo ako sa sagot niya. “Masama ba ang loob mo na pinag-drive kita? Bakit hindi mo sinabi kanina para nag-taxi na lang ako?” “Ang dami mong sinasabi, Miranda. Bumaba ka na." Tumahimik ako at pinagmasdan ang naiinis niyang imahe. I don’t know why he's st

