YANA "Wag mo akong lalapitan at wag mo akong kakausapin hangga't hindi ko pa alam kung papa'no ko tatanggapin yung sinabi ng nanay ko!" I shook my head. Ano pa nga ba yung ineexpect ko diba? Malamang, hindi talaga ako matatanggap ni Klarisse. Well, sino nga bang tatanggap sa isang tulad ko? "Babe, will you please stop being an--uh--" natigil naman si Justine sa pagsasalita dahil sinamaan sya ng tingin ng asawa nya. "Whatever. She's still your sister. Sa ayaw at sa gusto mo, ibinilin sya sa atin ni Mama kaya wala kang magagawa kundi pakisamahan sya." at bago pa kami makapagreact ni Justine, nagwalk-out na yung magaling kong kapatid. Bakit ba kasi ulit ako nandito? Ah, si Tita Clara kasi, may kailangan daw asikasuhin somewhere kaya ibinilin muna ako dito kay Klarisse. At bago pa sya umal