YANA "Miss, kanina mo pa ako tinitingnan. May gusto ka ba sa akin?" wow, conceited much? Kung hindi ko lang talaga s'ya kailangan, malamang, nabara ko na s'ya agad. Di ko s'ya type no? Eww. Ang layo naman ng itsura ni Kat ko sa kanya no! At mas lalo akong 'nandiri' nang bigla s'yang kumindat sa akin? Eww talaga! Parang gusto ko na yatang umatras dito. Tawang-tawa naman si Nico at Kat sa reaksyon ko. Pagkatapos kasi nung pagwawalkout ni Liv, nagpaalam na sa akin sila Tito Wiliiam at Tita Mariella. Nag-thumbs up pa sila sa akin pareho bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Kakausapin ko na sana si Cardo tungkol dun sa plano pero biglang lumabas si Kat at tinabihan ako dito sa may garden. Si Nico naman, lumapit din sa amin kaya medyo na-delay yung pakikipag-usap ko sa mahangin na lalakin

