PAGLABAS ni Stella ng banyo ay dumating na si Dr. Laurel at kausap si Glenn sa mesa habang kumakain. Naiilang siyang lumapit sa mga ito pero kailangan niyang magpakita sa doktor. Inayos niya ang kaniyang buhok bago tuluyang lumapit sa mga ito. Si Fabio ay nakaupo sa harap ng kabilang mesa at nakamasid lang. Pilyo ang ngiti nito nang masipat siya. Hindi niya ito pinansin at umupo na sa tabi ni Glenn, kaharap ni Dr. Laurel. “Good afternoon, Doc!” bati niya. Ngumiti lang ang ginoo at itinuloy ang pagsasalita. Marami itong tanong kay Glenn na tila hindi nakikinig. Walang tigil ang pagsubo ni Glenn ng pagkain. Nagutuman din ito. Kumain na rin siya. “May iiwan akong test paper para sagutin ni Glenn. I need it tomorrow, and Fabio will submit it to me,” pagkuwan ay sabi ng ginoo. Inilapag nito

