HINDI tinantanan ni Stella si Fabio. Nilapitan niya ito habang nag-iihaw ng octopus. “Fabio, sabihin mo na sa akin. Pumasa ba sa test si Glenn?” pangungulit niya. “Uh, oo nga pala.” Hinarap siya nito saka ngumiti. “He passed,” wika nito. Sandaling natigilan si Stella. Sa puntong iyon, hindi niya malaman kung matutuwa siya o malulungkot. In the end, she felt both sadness and happiness. Glenn passed the test, meaning he will proceed to the final healing process in the US. He will never be a robot anymore, yet, he will leave her. At hindi niya alam kung gaano katagal sa US si Glenn. “Dadalhin na si Glenn sa US. Pero gaano siya katagal doon?” aniya sa malamig na tinig. Kumibit-balikat si Fabio. “I don’t have an idea. But expect it will last more than a year, depending on the progress or G

