Chapter 20

2202 Words

SUMABAY pa ang buwanang dalaw ni Stella sa inis niya kay Glenn kaya lalong wala siya sa mood makihalubilo sa ibang tao. Katatapos lang niyang maligo sa dagat nang mapansing dumating na nga ang dalaw niya. Enjoy na enjoy pa naman siyang nagpaturo mag-surfing kay Joren. Kahit papano ay natuto siyang lumangoy, basic lang, at least nabawasan ang phobia niya sa malalim na tubig. Kinabukasan ay late na siyang nagising. Masakit kasi ang puson niya. Nag-hot bath lang siya. Palabas na siya ng kuwarto nang tumunog ang doorbell. Dagli niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya nang bumungad sa kaniya si Glenn, may dalang tray na merong bowl na may laman, isang basong tubig, isang hinog na saging, at saka sandwich. Nakasuot pa ito ng amerikana. “Good morning, Teacher Stella!” nakangiting bati nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD