TUWANG-TUWA si Glenn nang malaman na pupunta sila ng US. Konting gamit lang nito ang dinala. At upang maniwala ito na kasama si Stella, nagdala rin siya ng maleta at konting gamit. Alas otso ng umaga ang flight nila papuntang US. Ngunit habang lumilipad ang eroplano paalis ng Pilipinas ay wari pinipilas nang unti-unti ang kaniyang puso. Ilang sandali na lang niyang makakasama si Glenn, at iyon na ang magiging huli bago maghiwalay ang kanilang mga landas. “Wow! Ang ganda, Noname!” ani Glenn habang nakasilip sa bilog na bintana ng eroplano. “Oo nga. ‘Yan ang mga ulap,” aniya, pilit itinatago ang lungkot sa kaniyang tinig at mukha. “Hindi ba nanggagaling ang ulan sa ulap?” “Yes.” “So, puwede natin silang hawakan kasi ang lapit na.” “Hindi tayo puwedeng lumabas habang lumilipad ang erop

