Chapter Three

2279 Words
NAALIMPUNGATAN si Denise dahil sa malakas na pag-alog ng kanyang katawan. Umupo siya nang mamalayang nasa backseat na siya ng kanyang kotse na minamaneho ni Sean. Inihinto nito ang sasakyan.  Awtomatikong uminit ang ulo niya. “A-anong nangyari?” nahihilo pang tanong niya. “Dito ka lang, huwag kang lalabas,” anito saka tumalilis ng sasakyan. Sinilip niya ito buhat sa salaming bintana. Naglakad ito patungo sa madilim na bahagi ng gubat. At sa isang iglap ay bigla na lamang ito naglaho sa paningin niya. Kinabahan siya nang mahinuha na nasa kalye sila kung saan walang ni isang kabahayan. Tanging liwanag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa daan. “Hump!” Kumislot siya nang biglang may kung anong humilagpos sa bubong ng sasakyan. “Sean?” tawag niya, ngunit hindi niya makita sa labas si Sean. Mamaya ay umuga ang sasakyan. Kinabahan siya. Kumapit siya sa sandalan ng upuan sa harapan niya. May isang minuto ring umuuga ang sasakyan bago nanumbalik sa normal. Makalipas ang ilang sandali ay nakabalik na si Sean. “Okay ka lang?” tanong nito sa kanya nang buksan nito ang pinto sa driver side. Titig na titig siya sa hitsura nito. Magulo ang buhok nito at pawisan ang katawan. Napansin niya ang munting pulang mantsa sa kuwelyo ng damit nito. “Saan ka ba nanggaling?” balisang tanong niya. “Umihi,” mabilis nitong sagot. “Bakit ang tagal mo?” “Naparami, eh.” Ngumisi ito. Sumakay na ito “Saan mo ba ako dadalhin?” pagkuwa’y tanong niya. “I-uuwi na kita.” “Ibalik mo ako sa resort,” utos niya rito. Hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan. “Alam mo, hindi ko maintindihan bakit palagi mong tinatakasan ang parents mo. Hindi mo ba alam kung paano sila mag-alala sa iyo?” palatak nito. “Ang sabi ko, ibalik mo ako sa resort! Hindi ko hinihingi ang opinyon mo!” asik niya. “Sige, ibabalik na kita,” anito, saka nagmaniobra. Talagang bumalik sila sa Harley’s resort. Napangiti siya nang makarating na sila sa garahe ng naturang resort. Mamaya’y biglang tumunog ang cellphone ni Sean. Tagli naman nito iyong sinagot. “Yes, Sir?” sagot nito sa caller. He’s talking to her dad. “Ah, hindi ko pa po siya nakikita. Balitaan ko na lang po kayo kapag nakita ko na siya,” pagsisinungaling nito sa kanyang ama, habang panay ang tingin sa kanya buhat sa rearview mirror. Kaagad din naman nitong ibinaba ang cellphone. “Ano, masaya ka na?” anito sa kanya nang lingunin siya nito. Lumapad ang ngiti niya. “Kung ganyan ka lang sana palagi, magkakasundo tayo.” Pagkuwa’y bumaba na siya bitbit ang shoulder bag niya. Tumalilis naman ito sa sasakyan at dagling kinuha ang maleta niya sa compartment ng sasakyan. Habang papasok sila sa hotel ay iniisip niya kung paano isinaksak ni Sean ang mga gamit na inilabas niya kagabi sa maleta niya. Nakadama siya ng ilang sa isiping hinawakan nito ang underwear niyang gamit na, na ikinalat lamang niya sa ibabaw ng kama. Malamang ginamit nito ang susi ng suite para makapasok sa kuwarto niya. Kinuha pa rin niya ang kuwartong inakupa niya, at kinuhaan naman niya ng mumurahing hotel room si Sean. Kailangan na rin niyang mag-withdraw sa banko dahil short na ang budget niya. Inihatid pa siya ni Sean sa kuwarto niya. “Wala na po ba kayong kailangan, Ma’am?” anito matapos ilapag sa sahig ang maleta niya. “Wala na. Magpahinga ka na,” aniya saka hinubad ang suot niyang jacket. Natigilan siya nang mapansin si Sean, na titig na titig sa kanya. “What are you looking at?” mataray na tanong niya. Kumislot ito. “Ah, w-wala,” anito saka ngumiti. Nasilayan na naman niya ang cute nitong dimples. Iyon talaga ang gustong-gusto niyang nakikita sa mukha nito. Hindi ito particular na guwapo, pero may something sa hitsura nito na minsan ay natitigilan siya sa tuwing pinagmamasdan ito. “Y-you may go,” aniya, nautal pa siya roon. Palapad itong ngumiti habang paatras. “Good night!” Muli itong huminto “Ah, good morning pala,” pagtatama nito saka tuluyang lumabas. Heto na naman ang pakiramdam niya na parang may naghahabulang daga sa loob ng dibdib niya. Nagdududa na siya sa nararamdaman niya kay Sean. Hindi na iyon normal dahil madalas na iyong mangyari sa kanya. Nang tuluyang mawala sa paningin niya si Sean ay umupo siya sa gilid ng kama saka hinila palapit ang maleta niya. Nang buksan niya iyon ay nagulat siya nang mapansin ang gamit niyang panty na binalot ng paper towel. Nakapatong lamang iyon sa ibabaw ng malinis niyang damit. Uminit ang mukha niya.  Nakakahiya. ALAS-NUWEBE na ng umaga nang magising si Denise. Dinamdam kaagad niya ang kumakalam niyang sikmura. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya at nagtungo sa restaurant upang kumain. Hindi pa siya nakakahanap ng bakanteng mesa ay natigilan siya sa gitna ng kainan nang mapansin ang pamilyar na lalaki. Nakita na naman niya ang lalaki kahapon na nabangga niya. May kausap itong lalaki habang may binabasang aklat. Nakapuwesto ang mga ito sa mesang malapit sa malaking air-con. Mamaya ay naalala niya si Sean. Malamang tulog pa iyon. Nag-abala pa siyang puntahan ito sa kuwartong inuukupa nito. Tatlong beses na siyang kumatok pero walang bumubukas ng pinto. Hindi siya tumigil sa pagkatok hanggang sa may lumapit na lalaki na isa sa hotel staffs. “Excuse me, Ma’am, kalalabas lang po ng guest na naka-check-in riyan,” anito. “Saan siya pumunta?” tanong niya. “Napansin ko po siya kanina na nagtungo sa restaurant. Baka naroon po at kumakain,” anito. “Sige, salamat.” Bumalik na lamang siya sa restaurant. Nakalimutan niyang itanong kung saang restaurant. Dalawa kasi ang restaurant ng naturang resort. Ang isa ay nasa beach front at open lang. Wala si Sean sa beach front restaurant kaya bumalik siya sa main na nasa loob ng five story hotel. Wala rin ito roon. Hinagilap niya ito sa labas at maging sa garahe pero hindi niya ito makita. Nahagip na naman ng paningin niya ang lalaking gumulo sa isip niya kahapon. Nakatayo ito sa tabi ng poste ng garahe habang abala sa kausap nito sa cellphone. Nakasuot ito ng abuhing tuxedo at naka-side view sa kanya. Kumislot siya nang hagipin siya ng paningin nito. Ganoon naman ang agarang pagbawi niya ng tingin. Hindi niya maawat ang pagsikdo ng puso niya. Pumasok na lamang siya sa hotel at bumalik sa restaurant upang kumain. Uupo na sana siya sa silya sa inakupa niyang mesa ngunit natigilan siya nang  mapansin niya si Sean na umupo sa stool chair sa bar counter. Hindi na siya nag-abalang lapitan ito. Baka ika niya’y tapos na itong kumain. Lilimitahan na muna niya ang sarili na makipag-usap dito. Mas mabuti nang ganoong nag-iisa siya, kalmado lang ang puso niya. Umupo na lamang siya at hinintay na may waiter na lalapit upang kunin ang order niya. “Good morning, Ma’am! Can I take your order?” anang waiter na lumapit. “Garlic rice, ham, and egg with soup please,” aniya. “What kind of soup, Ma’am?” “Uhm, do you have seaweed soup?” “Yes, Ma’am.” “Okay, ‘yon na lang, please.” “Okay, Ma’am.” Aalis na sana ang waiter nang pigilan niya ito. “Ahm, may I ask a favor?” aniya pagkuwan. “Sure, Ma’am.” Nakangiti ang poging waiter. “Puwedeng pakikalabit ang lalaking iyon na nakaupo sa bar counter? Pakisabi na tinatawag ko,” aniya sabay turo kay Sean, na nag-iisang nakaupo sa tapat ng bar counter. “Sige, Ma’am.” Umalis kaagad ang waiter. Hindi niya npanindigan ang naisip na huwag muna itong kausapin. Hindi niya maintindihan bakit bigla’y gusto niya itong makasama. Mayamaya pa’y nasa harapan na niya si Sean. “Good morning!” bati nito, malapad ang ngiti. As usual, ngumit din ang mga dimples nito. Umupo ito sa katapat niyang silya. “Kumain ka na ba?” tanong niya. “Katatapos lang.” “Ihanda mo ang sasakyan, aalis tayo mayamaya lamang,” aniya. Tumango-tango ito pero hindi naman kumikilos. Tumitingin ito sa menu book. Dumating na lang ang order niya ay nasa harapan pa rin niya ang lalaki. “What are you waiting for?” naiinis na tanong niya rito. “Kakain ka pa naman, eh. Isa pa, kanina ko pa naihanda ang sasakyan,” anito. “So, maligo ka na, dahil pagkatapos kong mag-almusal ay aalis na tayo.” “Naligo na rin ako sa dagat kaninang umaga.” Matiim na tinitigan niya ito. And while she was staring at him intently, she felt the familiar feeling again towards him. It’s odd, that feeling was suddenly intriguing her and bothering her whole being. She shook her head. Kumain na lamang siya at nagkunwaring hindi niya napapansin si Sean. “Pupuntahan ba natin si Dr. Lee?” mamaya ay tanong Sean. Nag-angat siya ng mukha, dahilan upang magtama ang mga mata nila. Hindi niya magawang ibuka ang bibig niya, maliban sa may lamang pagkain ay may kung anong elemento na nagpatigil pansamantala sa oras niya. Naba-blanko ang utak niya. Sa tuwing tumititig siya sa mga mata ni Sean, pakiramdam niya’y naglalakbay ang buong presensiya niya sa mundo nito, at nauudyok siyang tuklasin kung ano ang meron dito. “May dumi ba ako sa mukha?” Kumislot siya nang bigla itong magsalita. Nataranta siya sa paghagilap ng kutsara niya na naibabad niya sa sabaw. “Uh, y-yes,” nautal pang sagot niya. “Paano kung wala pa rin si Dr. Lee sa clinic niya?” tanong nito. “Kaya nga pupuntahan natin para sigurado,” aniya. “Sige. Hihintayin na lang kita sa garahe,” anito saka tumayo. Hinabol pa niya ito ng tingin habang papaalis.   MAGHAPON nang naghihintay pa rin sina Denise at Sean sa clinic ni Dr. Lee. Kahit sinabi na ni Dr. Clynes na hindi nagre-report sa clinic ng umaga si Dr. Lee, ay umaasa pa rin siya na baka bigla iyong magawi roon. Inabutan na sila ng dilim sa labas ng clinic habang nasa loob sila ng kotse. “Bakit ba gustong-gusto mong makausap si Dr. Lee, Ms. Denise?” mamaya’y tanong ni Sean. Tinitingnan siya nito sa pamamagitan ng rearview mirror. “Gusto kong malaman kung sino ang donor ng puso ko,” aniya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nag-aalangang magsabi kay Sean, tungkol sa mga gusto niyang gawin sa buhay. She just felt comfortable with him. Parang ito ang tipo ng tao na handang makinig sa mga hinaing niya. Uhaw siya sa atensiyon ng taong matiyagang makinig sa kanya at intindihin siya. “Bakit kasi hindi sinabi ng doktor? Hindi ba dapat kompleto ang detalye tungkol sa donor?” komento nito. “Hindi ko alam. Wala naman sanang problema dahil ligtas naman ang operasyon,” aniya. “Kung ganun, bakit gusto mo pang makilala ang donor? Baka ayaw lang talagang magpakilala. Isa pa, patay na ‘yon. Malamang iyon ang last well niya, ang ibigay sa nangangailangan ang puso niya na hindi kailangang ipalandakan kung sino siya.” Natameme siya. May point si Sean. Pero aywan niya, gusto pa rin niyang makilala ang donor. Hindi lang iyon, gusto rin niyang ipakonsulta kay Dr. Lee ang mga kakaibang nararamdaman niya. Kung ano-anong kababawan na ang naisip niya. Napa-paranoid na siya. “Paano na lang kaya kung lalaki ang donor ng puso ko, magiging lalaki na rin ba ang mararamdaman ko? Iibig ba ako sa kapwa ko babae?” nahihibang na tanong niya. Bigla na lamang napabunghalit nang tawa si Sean. Natawa rin siya sa kanyang naisip. “Kung makatawa ka parang kiniliti ka ng mga sinabi ko, ah,” aniya. “Sorry,” natatawa pa ring sabi nito. Dumukwang ito sa kanya. “Pero, ha, ang alam ko, puwede naman basta compatible, sa edad, timbang, taas at walang problema sa puso ng donor.  Pero sa kaso naman ng lalaki, masyadong maliit ang puso ng babae para ma-sustain nito ang kailangan ng malaking katawan ng lalaki lalo na ng ibang muscles, so maaring hindi magtatagal ang pasyente at mamamatay rin ang puso,” paliwanag nito, na tila maraming alam. Nahihiya tuloy siya. Nagmukha siyang tanga. Tama naman ito, paranoid lang talaga siya. Maayos nang umupo sa harap ng manibela si Sean. “Pero posible kaya na mag-store ang memories ng tao sa puso?” tanong niya. Aminado siya na mahina siya sa science. “Uhm, yap. Hindi lang naman sa utak maaring ma-store ang memory ng tao, puwede sa ibang organ katulad ng puso,” sagot nito. “So, it’s possible na ang memories ng donor ng puso ko ay narito pa rin?” “Yap. So asahan mo na makakaramdam ka ng pagbabago.” “Posible rin kaya na mahalin ko ang mga minahal ng donor ng puso?” Napakamot ng ulo si Sean. “Ang dami mo namang tanong,” reklamo nito. Bumusangot siya. “Eh, ‘di huwag kang sumagot!” mataray na wika niya. Humalukipkip siya. Mamaya’y inabutan siya ni Sean ng isang balot na fish cracker. Hindi pa sana niya iyon tatanggapin pero biglang humilab ang sikmura niya. Nilunok na lang niya ang kanyang pride. Kinuha niya ang pagkain at pinapak. Iyon pala ang naririnig niyang maingay na kinakain nito. “Sorry if sinusungitan kita minsan. Hindi ko rin maintindihan bakit mainit ang dugo ko sa ‘yo noon,” aniya nang ma-realize ang masamang asal na ipinakita niya kay Sean. Ito pala ang mag-aaliw sa kanya. She heard him chuckled. Sinipat siya nito buhat sa rearview mirror. “Oo nga, nakakainis ba ang pagmumukha ko? Ang guwapo ko kaya,” mayabang na sabi nito. Tumikwas ang isang kilay niya. But deep inside, she agreed. Guwapo naman talaga ito, hindi lang niya na-appreciate dahil simple lang ito at siguro dahil sa trabaho nito. Masyado siyang judgmental. He’s nice too, hindi boring kausap. Teka, ano ba itong nararamdaman niya? Bakit parang may sarili ng isip ang puso niya? “Hanggang anong oras pa tayo rito, Ma’am?” mamaya ay tanong ni Sean. Kumislot siya. Oo nga, ang tagal na nilang nakatambay sa labas ng clinic ni Dr. Lee. Sinipat niya ang oras sa kanyang relong pambisig. Alas-otso na ng gabi. Kaya pala humihilab na ang sikmura niya. “Sige, kumain muna tayo sa malapit na restaurant. Pagkatapos ay bumalik tayo rito,” aniya. “Ha?” Napapangiwing dumukwang sa kanya si Sean. “Hindi kaya nagmumukha na tayong stalker nito?” reklamo nito. Mahayap ang tinging ipinukol niya rito. “Alam mo, sa lahat ng nangangamuhan, ikaw lang ang reklamador. Hala, mag-drive ka na!” aniya. Iiling-iling na binuhay ni Sean ang makina ng kanyang SUV. Hindi na sila lumayo. May malapit na restaurant sa unahan ng clinic ni Dr. Lee. Ang dami niyang in-order na pagkain dahil siguradong gutom na rin si Sean. Hindi sila nagmeryenda noong hapon. Pero pansin niya na pili lang sa mga pagkain ang kinakain ni Sean. Hindi ito kumuha ng mga may sarsa. Pizza pie lang ang pinapak nito. O baka talagang ignorante lang ito sa pagkain na hindi nito kilala. Naroon kasi sila sa Italian restaurant kaya puro international food ang sini-serve.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD