KINABUKASAN ng umaga paggising ni Denise ay nagtataka siya bakit wala si Sean. Gusto pa naman sana niyang puntahan ang kaibigan niyang bakla na mayroong beauty salon upang magpaayos. “Manang, bakit ho hindi pumasok si Sean?” tanong niya kay Manang Freda nang datnan niya ito sa kusina. “Naku, nagpaalam daw sa daddy mo na mag-leave ng tatlong araw para magpahinga,” anito habang nagbabalat ng carrot. Tatlong araw pa. Mukhang hindi niya kakayaning lumipas ang mga araw na hindi niya nakikita ang binata. Kagabi ay nahirapan siyang matulog dahil laman ng isip niya si Sean. ‘Sige po, mag-commute na lang po ako papuntang bayan. Mapapaayos po ako ng buhok sa salon,” paalam niya. “Sige, mag-iingat ka. Sasabihin ko na lang sa daddy mo paggising niya.” “Okay po.” Gabing-gabi nang nakauwi ang dad