MAHIMBING pa ang tulog ni Denise. Maingat niya itong binihisan, pagkatapos ay nag-teleport siya kasama ito patungo sa bahay ni Riegen. Mas ligtas ito roon. Nasisiguro niya na pinapahanap na ito ng mga magulang nito. Tiniyak niyang ligtas itong makaalis sa bahay ng mga ito noong gabi kaya lihim niya itong sinundan, katuwang ang mga alagad niyang bampira. Alam niyang babalikan ito ng mga kalabang bampira kaya hindi niya ito inalisan ng tingin. Kahit noong makasakay ito sa bus ay naroon siya. Hindi lamang siya nito nakilala dahil nag-iba siya ng anyo. Lalo siyang naghigpit simula noong nabisto na ng Daddy nito ang relasyon nila, siya bilang si Sean. Noong nasa branch office sila ni Romulo sa Talisay, kinumpronta siya nito. May ipinakita itong larawan sa kanya na kuha noong papasok sila ni D