NAKITA niya ang sarili sa screen. Lumalakad-tumatakbo na parang hindi malaman kung saan pupunta. Hindi niya na halos maalala ang pakiramdam sa mga sandaling iyon. Tila ang takot at galit na naramdaman niya habang tinatakbuhan ang kapahamakan ay panaginip na lang. Nagpalinga-linga siya sa paligid. At nang biglang tumakbo patawid ay siyang paglitaw naman sa screen ng dalawang magkasunod na sasakyan. Halos bungguin ng nasa hulihan ang nasa unahan. Sportscar ang nasa una na tila sadyang dinidikitan ng kasunod na SUV. Mabilis na ang mga pangyayari, pero naaalala pa naman niya. Tinangka ng sportscar na iwasan siya, subalit pagliko nito ay nahagip pa rin siya ng tagiliran ng kotse. Bumalandra siya sa kalye. Nakita niyang muntik na rin pala siyang magulungan ng kasunod na SUV kung hindi agad nak