PAG-UWI sa bahay ay inusisa ni Cruzette kay Sol ang mga lulutuin nito para sa hapunan. Darating ang kaniyang ama kaya dapat ay mag-abala siya. Hindi naman siya inawat ng kaniyang Ninang Lottie. Naroon din ito sa kusina at dinidiktahan ang kasambahay. "Ihanda mo ang mga sangkap para sa lulutuin kong paella." "Wow, 'Nang! Specialty mo!" "Oo, Anak," anito na walang kasigla-sigla sa tinig. "Mabuti pa maghanda ka na. Kami na ni Sol ang bahala dito." "Mamaya na po, 'Nang. Maaga pa naman at mabilis lang akong magbihis. Gagawa po ako ng dessert. 'Yung paborito nyo." "Huwag na, Anak. Baka magahol ka sa oras. Kailangan mong mag-ayos. May mga darating tayong bisita. Don't worry about the dessert. Magpapa-deliver na lang tayo." "Teka, 'Nang!" awat niya at nabantuan ng pagtataka sa reaksiyon. "M