“ANONG s**t?” asik ng ina para gulat na mapatingin si Mika dito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan galing sa ina. Isaac was his mother savior. Maliit lang talaga ang mundo. “P-Po?” tanong ni Mika at napapikit nang mahimasmasan sa kanyang nasabi. “Baka gusto mong kurutin ko iyang singit mo? You just said s**t to me,” giit ng ina para mapabuntong-hininga siya. “I’m sorry, mom. Kakagising ko pa lang kasi,” pagdahilan ni Mika at yumuko. Dismayado na inilisya nito ang mga mata at sumimsim na lamang ng kape. “That man you exchange conversation with was the man who savedme. Kung hindi niya ako niligtas ay baka patay na ako ngayon. At kapag nangyari nga iyon ay baka wala ka ngayon sa marangyang buhay na kinalalakaran mo. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa batang iyon at dapat ikaw

