Prologue
"Tita Lynette!" tili ng aking pamangkin nang makita niya ako. Sumama siya kay Kuya sa pagsundo sa akin dito sa airport. Ilang taon din akong nagtrabaho sa US, at ngayon lang ako umuwi. Mula nang mag-kolehiyo ako hindi pa ako umuuwi sa aming probinsya, hanggang sa nagtapos ako ng kolehiyo ay agad kong gr-in-ab ang opportunity na naghihintay sa akin sa ibang bansa.
It's been three years since I left the country. Miss na miss ko na ang Nanay at Tatay. Ganoon din ang dalawa ko pang mga kapatid.
"Hello, baby girl..." Niyakap ako nito sa aking binti at si Kuya naman ay agad akong niyakap. Si Kuya lang talaga ang pinaka-close ko sa aming magkakapatid.
"Hi, Kuya, kumusta?"
"Heto, maayos naman bunso." Inakbayan niya ako saka giniya na sa sasakyan.
Nasa anim na oras ang biyahe hanggang sa aming probinsya. Kahit pagod, hindi ko nagawang matulog sa biyahe dahil ang daldal ng aking pamangkin. At isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog ay dahil kanina pa ako kinakabahan. Hindi ko din maintindihan kung bakit, marahil excited lang talaga ako sa aking pag-uwi.
"May nobyo ka na ba bunso?" tanong ni Kuya. Nangingiti akong umiling.
"Walang nagkakamali sa akin, e."
"Oh, masyado ka lang pihikan."
Natawa na lang ako. Hindi naman ako pihikan. Sadyang busy lang ako sa work at wala akong matipuhan sa aking mga manliligaw doon.
Bumuntong hininga ako at inabala na lang ang aking sarili sa pagtingin sa daan. Ilang taon na, ang dami ng nagbago dito.
Hindi gaano traffic kaya naging tuloy-tuloy ang aming biyahe. Past lunch na ng dumating kami. May handaan sa lumang bahay, ito ang bahay ng mga magulang ni Tatay, ngunit ngayon ay namayapa na. Dito nakatira si Tita at dito din madalas magdaos ng mga okasyon at salo-salo ng aming pamilya.
Gusto ko munang maghilamos bago makihalubilo kaya dumiretso na muna kami sa bahay. Maging ang aming bahay ay nagbago na din. Hindi na ito tagpi-tagpi at hindi na matatakot sina Nanay kapag may malakas na bagyo.
"Tara na, Tita!" excited na aya sa akin ng aking pamangkin. Nagpunas lang ako ng aking mukha at hindi na ako nagpahid pa ng kahit na ano. Hindi pa naman ako ganoon ka-haggard kaya ayos lang.
Sa pintuan sa may kusina kami pumasok.
"'Nay..." Napatili si Nanay nang makita ako. Si Tatay ay lumapit din at mahigpit akong niyakap.
"Miss na miss ko po kayo," naiiyak kong sabi.
"Miss na miss ka din namin, Anak." Lumapit na din sa amin ang iba pa naming kamag-anak. Ilang minuto kaming nagkumustahan hanggang sa pinakawalan nila ako at hinayaang kumain. Nagugutom na ako.
"Si Tita po?"
"Nasa taas, nagbihis lang."
Kasusubo ko lang nang karne ng baka nang lumapit sa akin si si Tita.
"Kumusta, maganda kong pamangkin?"
"Tita!" Niyakap ko siya kahit punong-puno pa ang aking bunganga. Mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni Tita samantalang ako naman ay walang lakas dahil sa nakita ko sa kaniyang likuran.
Kamuntik pa akong mabulunan nang makilala ko siya.
"Oo nga pala... I want you to meet my boyfriend, hija..."
Napaiwas ako ng tingin at napakurap.
"Benj, ang pamangkin ko."
Nag-abot ng kamay sa akin si Benjamin. Huminga ako nang malalim bago ko inabot ang kaniyang palad.
"Nice to finally meet you, Lynette..." Halos pumikit ako nang marinig ko ang kaniyang baritonong boses. His voice that keeps haunting for the past years.
Alanganin akong ngumiti at halos manginig pa ang boses ko.
"Nice to meet you to... po..."
Takam na takam ako kanina sa pagkain pero ngayon, biglang napawi ang aking gutom. Kaso kailangan kong ubusin ang nasa aking plato, kahit pa hindi ako komportable dahil sa presensya ng boyfriend ng aking Tita.
Yes, I know him. Hindi ko lang siya basta kilala. He used to be my sugar daddy. My first love. My lover. But now he's my aunt's lover.