Chapter 29 C A L I S T A "Kumpleto na ba mga gamit mo?" Tanong saakin ni Dhianne at natigilan ako sa tanong niya. Kanina pa ako nakatulala at may malalim na iniisip. Siguro dahil hindi ako mapakali. Kahapon pa kasi tumatawag si Kazuya saakin pero hindi ko sinasagot. Nandito na ako ngayon sa mansyon ni Dad. Mga tauhan na lang ni dad ang pinapunta ko sa bahay ni Kazuya para kunin ang gamit ko. Ngayon na rin ang flight ko papuntang Italy Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman ko. Siguro, ginhawa dahil at least alam ko na ang katotohanan sa likod na nangyari kayna Aling Juana pero namamanhid...namamanhid na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. I love him. But I can't stand being with the man who's killer. Kahit ano pa 'man ang maging dahilan niya. it doesn't c

